Sunday, February 19, 2012

Ang Aking Liham Para Kay Kupido :)

Alam kong natutulilig na ang tenga mo sa kabi-kabilang kahilingang natatanggap mo para panain ang puso ng sinisinta ng sandamakmak na mga tao. Pero bakit ako? Hindi ko naman tinawag ang pangalan mo. Ni hindi ko inisip na humiling sa yo kahit sa panaginip man lang. Hindi ako humarap sa salamin ng alas dose ng hatinggabi para manalangin na ipakita ang taong nakalaan para sa akin. Pero isang araw habang nagkakape ako e bigla mo na lang akong kinalabit sabay sipat sa dibdib ko. At yun na. Dun na nagsimula ang lahat.

Akala ko dati, masyadong makamandag ang pana mo. Yung tipong pag tinamaan ka e malulunod ka na sa kakaibang sensasyong dala ng pag-ibig. E bakit sa akin mild lang ung formula ng nilagay mong solution sa dulo ng pana mo? Ni hindi ko nga naramdaman na nasa paligid ko lang pala ang taong makakatuluyan ko. As in literal na nasa paligid ko, kasama kong nagkakape. Kung binigyan mo lang ako ng warning e di sana sinuklay ko muna ung bangs ko. O kaya nag-excuse muna ako, nagpunta sa wash room at naglagay ng konting papula sa pisngi para hindi obvious ang pagbblush ko. Panay pa naman ang tingin nya sa relo nya, pakiramdam ko e boring akong kasama. Sana e nagpractice man lang ako magjoke para walang mga "dead air" moments nung bigla kaming iniwan ng kaibigan namin. Pero bakit ko pa pinaparating to sa yo e tapos naman na un, at wala na akong magagawa kasi nanuot na sa mga ugat ko ung mild formula mo.

Pero naman! Di mo sinabi na may immediate and long lasting effect ung mixture na un, as in panghabambuhay. Naging bahagi na sya ng sistema ko at di ko na sya mabura sa utak ko. Buti na lang at hindi sya nauntog habang binubuo namin ung kalsadang dadaanan namin nang magkatuwang. Di naglaon ay niiyaya nya akong magpakasal.

Ano ba ang saysay ng sulat na to e masaya naman na ako sa buhay pag-ibig ko? Wala naman. Ang totoo nyan, gusto lang talaga kita pasalamatan. Dahil siguro sa dami ng nagmamakaawa sa yo, pinili mong mag unwind muna at tumigil sa Starbucks nung araw na un. Tapos nakita mo kami. At alam mong kami ang nakatadhana para sa isa't isa kaya di ka na nagpatumpik tumpik pa. At noon din ay sabay mo kaming pinana habang ginugulo ng hangin ang aking buhok at humihigop ako ng mainit na kape. :)

No comments:

Post a Comment